Mt. Manalmon


September 25-26, 2010
Mt. Manalmon, 196MASL
Sitio Madlum, Brgy. Sibul, San Miguel, Bulacan

For me, this is the most fascinating mountain I've been to. The trail was a slippery rocks. You have to wear shoes for you not to get hurt, unfortunately naka-tsinelas lang ako kya ang resulta, paltos. Obviously, sobrang baba lang neto compare sa Kalisungan kya mas gusto ko to. Mahirap ang trail kc masyadong matarik na madulas pero malapit lang naman kya hindi matagal ang paghihirap mo.

Pagdating mo sa summit, ang sarap ng pakiramdam kc bangin sya, the most rewarding view on top. Feeling mo nasa isang mataas na building ka lang. Makikita mo ang mga katabing bundok at ang magandang river sa baba.

Kinagabihan, habang hindi makatulog dahil sa ingay ng mga nag-iinuman naming mga kasama, lumabas ako ng tent para magpahangin sana pero nagkayayaan ang iba na umakyat malapit sa summit at humiga sa bato, binaliwala ang mga popo ng kambing. Yes, may mga kambing po sa taas. Hehehe.. Habang nakatingala sa buwan, nagkakwentuhan ng kedami-dami hanggang sa nauwi sa aswang at nagkatakutan na. Hindi ko tuloy maklimutan na halos di na ako makabalik sa tent ko dahil sa takot. Asar!

Madami sana kaming activities na dapat gawin the following day pero hindi nasunod ang IT kya tinanggal nalang ang Ropemanship kc late na kumilos plus bumuhos pa ang isang malakas na ulan. Isa sa mga activities ay Rappelling. Noong nasa baba palang ng bundok, ang lakas ng loob ko na kakayanin ko, pero noong nasa taas na kami at nakita ko ang bangin na feeling ko hindi ako mabubuhay dito, back-out ang lolo mo. Pero wag ka, may mas mayabang pa sa akin na nag back-out din. Kya ayon, nauwi sa tuksuhan sa pag-uwi hanggang sa opisina.

No comments:

Post a Comment